Tuesday, October 26, 2010

Aminin mo na.

Nanggaling ako sa isang Party ng kaibigan Last week. Nagkita kami. Hindi ko naman siya gusto, pero masaya ako pag kasama siya. Magkaibigan kami nung college, Sabay pa kami bumili lagi sa Bambang nuon para sa mga syota namin na hiwalay na kami pareho. Siya ang isa sa kakwentuhan ko ngayong hiwalay na kami.

Madaming kaibigan namin ang pumunta nuon, parang reunion nga ang nangyari eh. Dumating din, ang pinakalantad na bading sa Batch namin nuon. Panay ang titig sa aming dalawa. Panay din ang kantiyaw sa kanya na ang payat na niya at gustong gusto siya ng bading.

Wala siyang imik, ngiti lang ang binibigay. Halatang asiwa siya, natatawa ako sa kanya. Sabay kaming kumain. Pag may picturan, magkatabi kami. Magkasama kami. Panay ang titig ng bading sa amin.

Medyo nakakainom na ang lahat. ng minsa'y naghiwalay kami, ako, nakikipagkwentuhan kasama ng ibang lalakeng sawi sa pag-ibig, siya naman, sumasayaw kasamaa ang iba naming kaibigan.

Nakita ako ni bading, tinawag ako, may sasabihin daw siyang personal. Lumapit ako, nakinig sa mga sinasabi niya. Gusto daw niya ako dati pa, sana daw naging kami nung College pa. sana daw pumatol ako sa kanya. sana daw dati pa niya ito sinasabi.

Inakbayan ko siya, nanahimik ako, di ko siya gusto dahil lantad siya. Hindi ko siya gusto dahil lalake ako. Hindi pa ako pumapatol sa kahit na kanino. SA KAHIT NA KANINO. Niyakap ko siya, at bumalik kami sa kumpul ng mga tao. Pabiro si bading na nag-aaya ng orgies kasama ng mga kaibigan ko. Nagyakapan kaming tatlo ng mga kaibigan ko at naghahalikan ng leeg para ipakita kay Bading. Natutukso siya, tawa kami ng tawa.

Siguro magugustuhan ko rin siya, pero hindi ngayon. hindi pa ngayon.

Magkasama na kami ni B, ang kaibigan kong kasama ko kani-kanina lang pero sayaw na ng sayaw ngayon, Nakikipagsayaw na rin ako. All-out na ito, panay inom, at sayaw na rin, magkatabi kami lagi, hangga't sa nawala si B, hindi ko namalayan, nasa labas na pala siya suka ng suka. umupo na lang, di na kayang tumayo.

Sinamahan ko, siya, hinahagod ang likod niya, pina-inomm ng tubig, nasa tabi lang niya, panay ang ngiti ko pag napapadaan ang iba at kinakantiyawan siya. Panay din ang kakaibang hagod sa likod pag wala ng mga tao.

Umalis ako. Ayoko ipahalatang sobra ang pag-aalala ko. Nakipagsayaw ulit, inom uli ng kaunti. Nung kakaunti na ang mga tao, binalikan ko siya, andun pa rin, nakapikit, sumusuka pakonti-konti. tuloy ako sa paghagod ng likod niya.

Nagulat ako sa mga sunod na ginagawa niya, dumantay siya sa balikat ko, na parang binibigay na niya ang lahat, walang kyeme sa paningin ng iba. pagkatapos sumuka ng konti ulit, sumandal siya sa balikat ko, at ngayon niyakap naman ako. mahigpit na yakap.

Paulit-ulit. Masaya ako. Napakasaya ko sa loob, pero nahihiya rin ako. ayokong lagyan ng malisya.

Dinala ko siya sa kama, binantayan, masakit mang sabihin pero kelangan kong umuwi, at kasabay ko si Bading. Inowan ko siya duon para magpahinga ng maayos sa kwarto. Gusto ko siyang halikan, ngunit, ang daming makakakita. Alam ng mga tao, pareho kaming lalaki.

Umuwi, kami, kinausap ako ni Bading, kung meron daw bang nangyayari sa amin ni B. sabi ko wala, at hindi ako naglalagay ng malisya, di siya umimik. Nung nasa taxi siya, nagpaalam siyang hahalikan daw niya ako, kami lang makakaalam. Isang beses lang. Hindi ako pumayag, humingi ako ng pasensya.

Kinabukasan, naglabasan na ang mga posts ng tao sa FB kung pano kaming sobrang naging basag at si B, wala daw maalala sa lahat ng ginawa niya.

Nanghinayang ako, nalungkot. Akala ko, pwede na akong magsimula at ma-try ang bago at kakaibang relasyon. Hindi pala. Maghihintay ako uli. Kung may aaminin siya sa akin. aaminin ko rin. KUng gusto niya, gugustuhin ko rin. Wala akong ginawa kundi isipin at isipin ang nangyari sa amin hanggang ngayon.

Talaga bang hindi niya alam yung ginagawa niya nuon?

Hihintayin ko bang malasing kaming dalawa uli?

Ngayon alam ko na ang papel ng alak sa buhay.

Wednesday, October 20, 2010

Have Big Expectations

Earlier this morning, I saw a book entitled, Millionaire by 40 by Jeff Savage.

Ang bango bango pa ng libro, Nakaka-adik.

The first tip given by the book was to Have Big Expectations.

NO matter how poor you may be, As long as you know how to dream, you have goals and you're pursuing it. Everything will happen in it's own place.

By setting your sights high and not settling for mediocrity, you'll see the difference.

So. I'm writing my Goals. Short term and Long Term.

Short Term would be forgetting Love first and Preparing for NMAT Exam, Rebuilding my life with things na pwede naman na wala sa akin.

Long Term would be, becoming a Doctor, earning a name in my field and gave loads of money.

Way to go M, way to go.

I'll leave you with a qoute given after the topic. It says there,

"I prefer the errors of enthusiasm to the indifference of wisdom." - Anatole France

Tuesday, October 19, 2010

Convicted.

We broke up. Nakita ko ang lalakeng pinagpalit niya sa akin. Na-iinsecure ako.

This time is my lowest of the low. Mahirap ang mga nararanasan ko ngayon, Emotional problems are the worst. I can't even explain why I've been bothered.

I need to get up already.

Soon, I'll get up soon. Na-sstress ako sa kakaisip kung ano ba ang nagawa kong mali, nanghihinayang ako sa lahat ng nangyari.

I really don't know how to get my life back. Ayoko na, ayoko ng malunod sa ganitong estado ng buhay ko.

Babangon ako para sa pagbabago.

Monday, October 18, 2010

8 ways to win my heart.

8

Being Yourself

Knowing you speak your mind beyond complexities and differences makes my heart melt. I love conversations, so if we’re fighting about issues intellectually. we’re doing good. you’re catching my attention on how to make a rebuttal.

7

Giving me a Jolly Hotdog.

Jolly Hotdog is my comfort food. When a person knew I’m sad, and suddenly gave me one, I will be very happy. Technically, none has given me a jolly hotdog yet. Oh, I fell in love with the last person who gave me one. She’s my ex now.

6

If you’re not a smoker.

I don’t like smokers. But it doesn’t mean we can’t be best of friends if you’re a smoker. I just don’t see a person who smokes as someone I’ll love make love with.

5

You watch War Movies

I love people who watch war movies. They seem to know the history. They see gory scenes and most especially they see how hard it is to be in a war. I really love war movies.

4

If you like to hear Beatles/Eraserheads Songs.

This is a big plus for me! we’re really alike if you love singing to their tunes. I have met only one at the moment who loves this both.

3

You eat as much as I am.

I love to eat any kind of food. yung tipong hindi maarte. that’s sexy for me.

2

Who has a deep faith in God.

I don’t believe much in the essence of religion, I care most on your personal relationship with God. As long as you put faith in Him, and would admit that you are nothing without Jesus. I’ll admire you more.

1

Someone who will accept me.

I’m not gwapo. I’m not buff. I’m not matangkad. I can be the worst lover. I swear. I don’t text much, I don’t like to show off. My parents are strict. Lastly, I’ll be a doctor soon, so probably Medicine and my patients will be your greatest enemy. But don’t fret, my heart is only yours.

Saturday, October 16, 2010

Nine things about ME.

9
It's been three years since I've had this blog and yet, I do have rare opportunities to publish posts. I seldom write because I'm amazed at the blogs I follow, ended reading all their posts then having no time to write my own.

8
I am the eldest in our family. I experienced a lot of hardships with my parents back then just to sustain what we have today. We're not rich, but we're surviving.

7
Isa akong Batangueno na nanirahan sa Manila dati. Batang kalye, pero lumipat kami sa subdivision sa Rizal na nuon kami lang ang nakatira sa buong street at hanggang ngayon kakaunti pa rin ang nakatira sa phase namin, simula nun, wala na ako masyadong kilala sa subdivision namin. Wala naman kasi akong ka-edad na kapitbahay na pwedeng kalaro nun eh.

6
21 na ako. Nurse na ako since last year. Ang bata ko pa, at mabuti yun dahil gusto ko pa maging doktor. Kung iisipin, 27 na ako magiging ganap na M.D. Dahil next school year ko pa balak pumasok.

5
Simula nung nag-college naging active na ako sa mga kung ano anong activities, leader ako sa Council nuon, at napaka-busy ko. Workaholic. AFter grumaduate ng Nursing, may trabaho na agad ako as Nurse sa Ospital. After 1 year, tumigil ako dahil sa pagbabalak kong magmed at wala ring saysay kung magpapagod ako as nurse. At sobrang naeenjoy ko ang bakasyon. Ang pahinga bago ang Med Life.

4
Hindi ako gwapo. Hindi ako matangkad. Wala akong appeal. Isa lamang akong common na tao. May nagmahal sa akin, minahal ko rin siya. Napakaswerte ko sa kanya. Kala ko siya na till the end. Pero mali ako, iniwan niya ako. At ayoko ng magmahal uli.

3
Nung nag-aaral ako ng nursing, di ko alam kung paano ako nakakapasa pero di talaga ako masyadong pala-aral. Pumasa ako ng boards na nagbabasa basa pero hindi naman todo basa. Kaya nanghihinayang ako minsan dahil alam kong kaya ko higitan yung iba. Kaya sinasabi ko lagi sa sarili ko, di pa ako nag-aaral ng mabuti nyan pero nakakapasa ako, pano pa pag tinodo ko pa. Kaya nahihirapan ako ngayon, kelangan ko matuto paano mag-aral. Paano nga ba mag-aral?

2
Virgin pa ako. Laging ako at ang kamay ko. Ako at ang kamay ko. Ako at ang kamay ko.

May nangyari sa akin dati. Last year lang, naexperience ko kung paano pagsamantalahan ng kapwa ko. Di ko sila kilala. Malalaki katawan nila. Dalawa sila. Mausok nuon. Sauna sa gym. Kinain nila si jr. Mabilis ang pangyayari. Di na ako nakapalag. Di ko malilimutan.

At masasabi ko pa rin, para sa akin, Virgin pa ako. At hanggang ngayon, Laging ako at ang kamay ko. Ako at ang kamay ko. Ako at ang kamay ko.

1
Nakita ko isa uli sa sauna sa gym na yun. Sa loob ko, Nanginig ako sa takot. Hindi niya ako pinilit, mag-isa lang siya eh. Imbis tinanong niya ako kung gusto ko daw ba, masarap daw ako, matamis daw ang nilalabas ko. Tumayo ako, Lumabas, di na uli bumalik sa gym na yun. Ang tinding pagmamaliit sa akin nun, post-traumatic.